COLUMNS

SPECIAL REPORT: K TO 12

Nagsimula ang repormang “K to 12” nang napilitang tumakbong pangulo si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III. Kamamatay pa lamang noon ng ating minamahal na dating pangulong si Corazon “Cory” Cojuangco Aquino. Naging malinaw sa taumbayan na kailangan niyang manahin ang puwesto ng kanyang ina.

Pinulong ni Noynoy ang kanyang mga kaibigan at tagapayo.

“Ano ang pangunahing problema ng ating bayan?” tanong niya.

Nagkaisa ang lahat ng tinanong niya na kahirapan ang sagot. Napakaraming mahirap sa bayan. Napakaraming nagugutom. Napakaraming may sakit na walang perang magpagamot. Napakaraming hindi pumapasok sa eskuwelahan dahil walang perang bumili ng damit o magbaon. Sa madaling salita, kahirapan.

“Bakit maraming mahirap na kababayan natin?” sunod na tanong ni Noynoy.

Maraming sagot. Maraming balitaktakan. Sa huli ay nagkasundo ang mga tinanong niya.

Maraming mahirap dahil wala silang trabaho. Wala silang pinagkakakitaan. Wala silang trabaho.

Nagkunot ng noo si Noynoy.

“Pero napakaraming classified ads sa mga peryodiko,” aniya. “Hindi naman tamad ang mga Pilipino. Bakit hindi sila mag-apply sa mga trabahong iyon?”

Tumango ang mga tinanong niya.

“Totoo na hindi tamad ang mga Pilipino. Makikita naman natin iyan sa dami ng nagtatrabaho sa ibang bansa. Halos sampung milyong Pilipino ang kumakayod sa iba’t ibang bansa sa mundo. Duktor man sila o nars, trabahador man o kasambahay, malinaw na sobra sobra ang kanilang sipag at tiyaga.”

“Kung gayon,” balik ni Noynoy, “paano nangyari na maraming trabahong naghihintay sa kanila at sila naman ay gustong magtrabaho, pero hindi sila nagtatrabaho?”

Matagal na nagpulong-pulong ang mga tinanong niya. Maraming konsultasyon ang ginawa. Kung sino-sino ang kinausap.

Isang araw, bumalik ang mga tinanong niya.

“Alam na namin ang sagot sa tanong. Alam na namin kung bakit maraming trabaho pero hindi makakuha ng trabaho ang nakararaming Pilipino dito sa ating bayan. Alam na namin kung bakit napipilitang mangibang-bansa ang mga Pilipino, kahit na nahihiwalay sila sa mga minamahal nila sa buhay at kahit na kayod-kalabaw ang trabaho sa ibang bansa.”

“Ano ang sagot,” tanong ni Noynoy.

“Ang tinatawag na mismatch. Ang ibig sabihin ay hindi tugma ang itinuturo sa mga paaralan sa hinahanap ng mga kompanya.”

Humingi ng paliwanag si Noynoy.

Sabi ng mga dalubhasang kaibigan niya, “Ganito iyon. Kapag natapos na ng hayskul ang isang bata, wala pa siyang alam na kakayahan o skill na maaaring pakinabangan ng isang kompanya. Ang alam lang niya ay ang akademikong kaalaman, tulad ng Ingles, Filipino, Matematika, Syensiya, Araling Panlipunan, at MAPEH. Pero hindi ang mga iyan ang hinahanap ng mga kompanyang tumatanggap ng mga gradweyt ng hayskul.”

“Ano ba ang hinahanap ng mga kompanya?” tanong ni Noynoy.

“Halimbawa’y ang kakayahang mag-welding. Ang kakayahang magkatam o magmason. Ang kakayahang magluto. Ang kakayahang manahi. Sa Ingles, ang tawag diyan ay middle-level skllls, o yung mga kakayahan ng ordinaryong empleyado o trabahador.”

“Iyun lang pala,” sabi ni Noynoy. “Bakit hindi itinuturo sa hayskul?”

“Kasi po,” sagot ng mga dalubhasa, “walang panahong ituro sa hayskul.”

Kumunot na naman ang noo ni Noynoy.

“Sa ibang bansa ba, itinuturo ang mga kakayahang iyan sa hayskul?”

“Kasama sa kurikulum sa ibang bansa ang ganyang mga kakayahan.”

“Di ituro sa hayskul sa atin,” sabi ni Noynoy.

“Hindi pupuwede,” sagot ng mga dalubhasa. “Punong-puno na ang kurikulum ng hayskul. Kailangang matuto ang mga bata ng Ingles, Filipino, Matematika, Syensiya, Araling Panlipunan, at MAPEH. Walang oras para ituro pa ang middle-level skills, o sa madaling salita, Techical Vocational Education o Tech-Voc.”

Simple lang ang naisip ni Noynoy.

“Bakit sa ibang bansa ay naituturo nila ang Tech-Voc sa hayskul?”

“Kasi, sa ibang bansa,” sagot ng mga tinanong niya, “labindalawang taon nag-aaral ang mga bata bago sila pumasok sa kolehiyo.”

Diyan nagsimula ang ideya na kulang ang taong nilalaan natin sa edukasyon ng mga bata sa public school. Nagpagawa ng riserts si Noynoy.

“Alamin nga ninyo kung ilan talaga ang taon sa basic education sa lahat ng bansa sa mundo,” hiling niya sa mga tagapayo niya.

Nag-riserts nga ang mga dalubhasa. Kumuha pa sila ng tulong mula sa mga eksperto sa edukasyon sa ibang bansa. May mga nagmagandang-loob na mga banyaga, tulad ng AusAID at ADB. Nagpadala ng mga datos ang iba’t ibang bansa, organisasyon, at pundasyon.

Sa kabuuan ay natuklasan na tatlo lang pala ang bansa sa buong mundo na sampu lamang ang taon sa basic education. Isa na ang bayan natin. Iyung dalawa, parang tayo rin, mahirap at nahihirapan.

“Simple lang pala,” sabi ni Noynoy. Kung gayon, kapag nasa poder na tayo, dagdagan natin ng dalawang taon ang ating basic education.”

At iyon na nga ang nangyari. Ginawang kaunaunahang prayoridad ni Noynoy ang pagdagdag ng taon sa basic education. Sa lahat ng mga talumpati niya sa iba’t ibang grupo, sa buong kampanya niya, ay ginawa niyang unang pangako niya ang K to 12.

“Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon,” paulit-ulit niyang sinabi bago mag-eleksyon. At nang naging pangulo na nga siya, paulit-ulit din niyang sinabi ito.

Iba naman ang tumatakbo bilang pangulo sa pagiging pangulo mismo. Nang naluklok na nga siya sa Malacañang ay agad-agad niyang pinulong ang kanyang gabinete at mga tagapayo.

“Narito na tayo. Kailangan na nating tuparin ang ipinangako natin. Balikan natin ang dahilan kung bakit natin dadagdagan ng taon ang basic education. Maraming naghahanap ng trabaho. Maraming kompanya ang naghahanap ng empleyado. Ang tanong ko ay ito, ano ba ang mga trabahong naghihintay sa mga bata kung makatatapos sila ng hayskul na may dagdag na taon?”

Pinatawag ni Noynoy (na ngayon ay tinatawag na Pnoy dahil pangulo na nga siya) ang Department of Labor and Employment o DOLE, dahil ang DOLE ang marunong sa mga bagay na ito.

Tanong ni Pnoy sa DOLE, “Ano-ano ba ang trabahong naghihintay para sa mga makatatapos ng hayskul na may dagdag na dalawang taon?”

Binigay ng DOLE ang listahan. At hindi lang ibinigay kundi nilagay pa sa website ng DOLE. (Pilipino Mirror, 13 Agosto 2012)

 

 

 

 

http://phil-job.net/index.php?

4 comments

  1. Dear Sir Isagani Cruz,

    Your enlightening article about Technology in the K12 was brief and concise. I beg your pardon in presenting my position about the shortcoming of the expressions found in the documents of DEPED about Technology use.

    A few years ago, DEPED used NETS framework in order to define the ICT competency of students in the Grades 1 to 10. You can still find remnants of this framework in the EPP of Grade 4 to 6.

    The loss of this framework for the Grade 7 to 10 in favor of TESDA’s ICT skills definition is a mis-step in my opinion.

    I agree in your quote that … At the end of Grade 12, the learner must “possess functional knowledge in the use of technologies.”…

    This functional knowledge in the use of technologies is not as a separate subject but a skill employed in the different academic subjects. Functional knowledge and use of technology differ in Languages, Math, Science, Social Studies, etc. (Educational Technology principles promote the purposeful use of technology to develop higher order thinking instead of skills mastery in the use of technology tools)

    The document Digital Transformation – A framework for ICT Literacy done by Educational Testing Service for the International ICT Literacy Panel expresses a very apt CRS that encompasses any specialization a student might undertake. While I agree with the observation of have a group of digital natives, they only use technology with lower order thinking skills.

    The expressions of Technology use in DEPED’s K12 are wanting! Citing frameworks and references can help guide educators instead of merely following content details in the curriculum guide.

    Regarding the Media and Information Literacy and the contents of the curriculum guide, I would rather be biased towards the content of the UNESCO Media and Information Literacy (for teachers). It offers an essential framework for CRS in my opinion.

    During the UBD salvo of DePED, we were called to cut the curriculum in half and go for depth (HOTS) and focus on the essentials. I believe LEARNING SKILLS are far more important to develop than covering so much content. With developed learning skills, students CAN TAKE UP CONTENT on their own.

    Respectfully,

    Melvin Matulac
    http://www.pinoyrobotgames.org

  2. Wendell Dimaculangan says:

    Good day to you, I have read many information in your Philstar Column and also in the DepEd’s website about the SHS curriculum but would like to know some more according to actual situation that we have right now.

    Presently, my family is based here in Abu Dhabi and my eldest son belongs to the first batch of students that will be the incoming

    K11 students. He is presently studying in Philippine Emirates Private School here and they told us that they will only offer the ABM

    strand of the Academic Track. My son want to pursue an Engineering course in college thus preferably have the STEM strand on his

    Senior High School. My question is, Is it possible for him to take the K11 ABM Strand here in Abu Dhabi and then transfer to the

    Philippines to have his K12 STEM strand and take the Calculus and Chemistry as back subjects? This is on the based on the suggested

    STEM Strand scheduling of subjects in DepEd’s website. Also in general, will a student who took ABM on SHS be accepted to an

    Engineering course if the student change his mind?

    I hope you find my queries in order and clear. Hoping to hear from you the soonest possible time as we are still confused about this

    K11/K12 and we are too far to inquire personally.

    Sincerely yours,

    Wendell Dimaculangan

    • admin says:

      A student who completes the ABM strand in Senior High School is not eligible to enroll in an engineering course in college. However, the student can be admitted to a college as an ABM student, then take the subjects s/he did not take up in Senior High School, then shift to engineering in the same college. It just means an extra year of back subjects.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *