Archive for March 2014

Bakit maraming mahirap sa Filipinas?

TANONG: Bakit ba maraming mahirap sa Filipinas?

SAGOT: Maraming dahilan. Halimbawa’y kulang tayo sa industriya. Malagim ang kasaysayan natin bilang koloniya lamang ng Espanya at Estados Unidos. Kulang ang kalye at bapor. Wala tayong malakihang langis sa ilalim ng lupa. Kung nagkakaroon tayo ng maraming pera ay kinukupit lamang ng ilang masasamang loob na politiko o negosyante. At marami pang iba.

Pero may isang dahilan na kaya nating baguhin.

Ito ang kawalan ng trabaho ng maraming mga kababayan natin.

May mga nawawalan na ng pag-asa na makukuha sila ng matinong trabaho dito sa atin, kaya nangingibang-bansa sila. Mahigit nang sampung milyon daw ang mga kababayan natin na nagtatrabaho ngayon sa ibang bansa. Pero hindi trabaho sa ibang bansa ang lunas sa ating kahirapan.

Ang talagang sagot sa kahirapan ng higit na nakararaming mga kababayan natin ay trabaho dito mismo sa ating bansa.

Ngayon, kung pupuntahan ninyo ang website ng DOLE, makikita ninyo na ang dami palang trabahong naghihintay dito mismo sa ating bansa.

Halimbawa’y Call Center Agent, Service Crew, Salesman/Saleslady, Production Worker o Factory Worker, Technical Support Staff, Cashier, Sales Clerk, Driver, Production Machine Operator, at Customer Service Assistant. (Ayon ang listahang ito sa DOLE.)

Bakit nahihirapan ang mga kompanya na makahanap ng mga empleyadong puwede sa mga posisyon na ito?

Dalawa ang dahilan.

Una’y maraming mga kababayan natin ang nag-aakalang maliit lamang ang suweldo sa mga trabahong ito kaya gusto nila ng ibang trabaho. Pero ayon pa rin sa DOLE, ang isang Production Supervisor o General Foreman ay mas malaki pa ang sahod kaysa sa isang Actuarian na nakaupo lamang sa isang desk sa isang insurance company o bangko.

Sa totoo lang, ayon sa DOLE, halos pareho na ang suweldo ng isang General Foreman na hindi naman kailangang nagtapos sa kolehiyo sa isang System Analyst na kailangang nakatapos ng B.S. Computer Science.

Sa madaling sabi, hindi naman talaga kailangan ang digri mula sa kolehiyo para makakuha ng malaking suweldo. (P36,000 bawat buwan ang karaniwang suweldo ng isang General Foreman.)

Samakatwid ay mali ang akala ng karamihan ng mga kababayan natin na naghahangad ng digri sa kolehiyo na makakukuha sila ng puwestong mas mataas ang suweldo kaysa sa mga nakatapos lamang ng hayskul.

Ikalawa’y mali kasi ang mga itinuturo sa hayskul (o kahit na sa kolehiyo) sa mga estudyante. Hindi handa ang gradweyt (ng hayskul man o kolehiyo) para makuha kaagad ng mga kompanya.

Ito ang tinatawag na “mismatch” o hindi pagiging tugma sa pangangailan ng industriya ang kurikulum ng mga paaralan.

Mabuti na lamang at nagbago na ang kurikulum ng mga paaralan. Ito ay isang bunga ng K to 12 na reporma ng gobyerno. Kasama ang industriya sa pagburo ng kurikulum, kung kaya’t akma na ang itinuturo sa estudyante sa hinahanap ng industriya.

Kapag may trabaho kasi ang isang gradweyt ng hayskul (o kolehiyo), siguradong may maiuuwi na siya sa kanyang pamilya. Magkakaroon ng pera ang pamilya na maaaring ikain nito o, mas mabuti, ipondo sa isang maliit o malaking negosyo. Kapag may hanapbuhay ang isa o higit pang miyembro ng pamilya, siguradong uunlad ang pamilya. Hindi na ito magiging mahirap. (10 Marso 2014)

Marjorie Evasco

This is my introduction to the lecture on “Learning the Lesson of Meaningful Silence” by Marjorie Evasco, held on 21 March 2014 at De La Salle University in Manila:

How tell the singer from the song? How capture, in 300 seconds, a human existence that, even on the surface, in the words of Myrna Peña-Reyes in her review entitled “Reality of the exquisite in Marjorie Evasco’s Skin of Water,” “hides essences”? The word “exquisite” might even be too gross to describe the poetry of our speaker’s life or the scrutable life of her poetry. We might do better parodying her ars poetica, by stating that our speaker is a crane, whose poems, when they unfold, are always both, at the same time, empty and full. An introduction to her life would be a real garden with imaginary toads in them, even if the toads protest that they are nobodies in a life fully lived.

Having been born in Bohol, a province now better known for its earthquake than for its previously symmetrical limestone hills, having graduated magna cum laude as an undergraduate in Divine Word College in Tagbilaran, having been honed in the English poetic register by the Tiempos during and after her graduate work in Silliman University, having returned to her vernacular roots first in her dissertation on Cebuano poetry at La Salle and later in her own poems, our speaker has written her own life as a poem, whose meanings may be unearthed on several existential, essential, geologic levels.

One level would be the numerous awards she has gathered casually, almost routinely, such as the Carlos P. Garcia Award, the Ani ng Dangal Award, the Metrobank Outstanding Teacher and ACES Awards, the National Book Awards, the Don Carlos Palanca Memorial Awards, the Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, and the SEAWRITE.

Another level would be a journey that, on the earth’s surface, traverses Australia, Cambodia, Canada, Colombia, Hong Kong, India, Indonesia, Italy, Japan, Nicaragua, Singapore, Taiwan, the UK, and the USA to read or to discuss poetry; on literature’s surface, poetry of course, but also creative nonfiction and screenwriting; and on academe’s surface, department head, journal editor, workshop director, and competition judge.

Gather her books and scholarly articles, add the translations of her poems into Filipino, Estonian, German, Japanese, Kannada, Mandarin, Romanian, Spanish, and Vietnamese, and you might have a literal jade mountain as green as La Salle and the environment, two of her so many passions.

No, there is no way to introduce such a life, lived in silence punctuated by words, or words punctuated by silence. In her case, George Bernard Shaw was wrong: “the poetry that lies too deep for words” does not lie too deep for the words of our speaker today. For her life as poetry speaks as much as her poetry as life. There is only one possible answer to the conundrum of which comes first, the life or the poetry, and that is meaningful silence.

Silent we have to be as we learn the lesson of meaningful silence from our speaker, University Fellow, Professor, Doctor, Poet Marjorie Evasco.

https://www.youtube.com/watch?v=pViIAZUDsLs